Muling pumutok ang Bulkang Fuego sa Central America.
Ang naturang pagsabog ng nasabing bulkan ay mayroong kasamang lava at abo dahilan upang saraduhan ang ilang mga kalsada sa Guatemala.
Magdamag umanong nagpakita ng mga sensyales ng nalalapit na pagsabog ang bulkan, gaya ng pagkahulog ng mga bato mula sa bulkan at pagbuga ng abo na umaabot sa taas na dalawang kilometro.
Ayon sa Spokesman Ng Highway Police, pansamantalang hindi pwedeng daanan ang Central Guatemala.
Samantala, patuloy ang isinasagawang pagbabantay ng mga awtoridad para sa kalagayan ng nasabing bulkan.