Muling nag-alboroto ang Bulkang Kanlaon na nakapagtala ng 13 volcanic quakes sa Negros Occidental.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), kasalukuyang nakataas na sa alert level ang nasabing bulkan.
Namataan ng ahensya ang pagsingaw ng usok sa bunganga nito.
Mahigpit na ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 4km radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan bunsod ng posibleng pagsabog. —sa panulat ni Jenn Patrolla