Siyam na pagyanig ang naramdaman sa paligid ng Mount Kanlaon sa Negros Island sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa PHIVOLCS, nananatili sa ilalim ng Alert level 1 ang Bulkan.
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone.
Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang uri ng eroplano malapit sa bulkan dahil sa banta ng pagsabog ng bulkan.
Ang Kanlaon ang pinaka-aktibong bulkan sa Visayas at patuloy na binabantayan dahil sa posibleng phreatic eruption.