Nakapagtala ng tatlong volcanic earthquakes ang Philippine Institute of Volcanogy and Seismology (Phivolcs)sa Bulkang Kanlaon sa Negros sa buong magdamag.
Ayon sa Phivolcs, umabot sa 336 tonnes kada araw ang inilabas na sulfur dioxide ng Kanlaon noong Martes Nobyembre 24.
Simula rin noong Hunyo, naitatala ng Phivolcs ang bahagyang pamamaga sa ibaba at gitnang slope ng bulkan batay sa nakitang deformation sa lupa.
Sinabi ng Phivolcs, posibleng dahilan nito ang nangyayaring hydrothermal o magmatic processes sa ilalim ng bulkan.
Nananatili namang nakataas ang alert level 1 sa Bulkang Kanlaon na nangangahulugan ng patuloy na abnormal condition nito.