Mahigit 100 pagyanig na o volcanic earthquake ang naitala sa Mount Kanlaon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon ito sa volcano bulletin ng PHIVOLCS kung saan apat sa 136 na pagyanig ay naramdaman at nakapagtala ng magnitude 3.2 hanggang 4. 7 kaninang madaling araw.
Nakapagtala rin ng moderate emission ng steam laden plumes mula sa crater ng bulkan na ang taas ay umabot sa hanggang 200 meters.
Nananatili naman sa alert level 1 ang Mount Kanlaon na nangangahulugang hindi pa rin normal ang kondisyon nito.