Kumalma pansamantala ang Kilauea Volcano sa Hawaii na isang buwan na ring nag aalburuto.
Gayunman, sinabi ng government scientists na maituturing namang insignificant ang nasabing galaw ng bulkan kaya’t mahigpit pa rin silang nakatutok dito.
Ayon kay Kyle Anderson, US Geological Survey Geophysicist, tumahimik ang bunganga ng bulkan na araw araw nagbubuga ng usok at nagbabagang mga bato sa nakalipas na apat na linggo.
Ipinabatid ng mga otoridad na may mga nakuhang image ang ginamit na drone na nagpapakitang nabarahan ng malalaking bato ang crater ng bulkan
Nangangamba si Anderson na mas malakas ang susunod na pagsambulat ng Bulkang Kilauea kapag naipon ang puwersa nito.