Nananatili pa ring nakataas ang alert level 3 sa Bulkang Mayon makaraang makapagtala ng tatlong kilometrong lava flow mula sa southern slop ng bulkan.
Subalit batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), bahagyang kumalma na ang Bulkang Mayon nitong Huwebes, Enero 18.
Batay sa monitoring ng PHIVOLCS simula 5:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, aabot lamang sa labingdalawang (12) rockfalls o pagbagsak ng bato ang naitala mula sa nag-aalburutong bulkan.
Samantala, muli namang nabuhay ang kuwento ng alamat ng Mayon nang mag-viral sa social media ang larawang kuha dito.
Makikita sa nasabing larawan ang mga ulap na bumabalot sa Bulkang Mayon na animo’y porma ng isang lalaki at ng isang babaeng magkayakap.
Ayon sa alamat, nabuo ang bulkan dahil sa pag-iibigan ng isang magandang babae na kilala ng mga Bicolano bilang si Daragang Magayon at ng kanyang minamahal na si Parangonon.
Sinasabing ipinagbawal ang pag-iibigan ng dalawa dahil sa ipinagbabawal sa batas na hindi maaaring magsama ang hindi magkatribu.