Ibinaba na sa alert level 3 ang estado ng Mayon Volcano.
Batay sa abiso ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, bumaba na ang bilang ng aktibidad ng bulkang Mayon sa mga nagdaang araw.
Ang alert level 3 ay nangangahulugan ng pagbaba ng panganib na magkaroon ng hazardous eruption.
Dahil dito, ipinag-utos na ng City Disaster Risk Reduction Management Office ng Legazpi City na pauwiin na ang mga evacuees na nananatili sa evacuation centers.
Nilinaw naman ng PHIVOLCS na asahan pa rin ang patuloy na volcanic earthquakes, magmatic gas output at mahihinang sporadic degassing at paglabas ng lava mula sa bulkan.
Inirekomenda rin ng PHIVOLCS ang pagbabawal sa pagpasok sa six-kilometer radius permanent danger zone ng Mount Mayon.
Notice for the lowering of Mayon Volcano’s status from Alert Level 4 to Alert Level 3. pic.twitter.com/GtfwdMN3wv
— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) March 6, 2018
—-