Muling itinaas sa alert level 1 ang sitwasyon ng bulkang Mayon matapos makapagtala ng panibagong abnormalidad.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology ans Seismology (PHIVOLCS) halos 150 pagyanig mula sa bulkang Mayon ang naitatala nila sa nakalipas na tatlong araw.
Bukod dito, ipinabatid ng PHIVOLCS na mayroon na ring naitalang pagtaas ng sulfur dioxide emission sa crater ng Mayon Volcano at maging ground deformation na senyales ng paggalaw ng volcanic materials.
By Judith Larino