Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Bulkang Mayon sa Alert level 1 o low level unrest mula sa Alert Level zero.
Ito ay matapos makitaan ng bahagyang pamamaga ang bulkan dahil sa pag-akyat ng volcanic gas.
Batay sa obserbasyon ng Phivolcs, may average na 688 tonelada kada araw na sulfur dioxide ang ibinubuga ng Mayon.
Naitala rin ang mahihinang pagyanig sa bulkan noong Mayo 26 hanggang Hunyo 20.
Mahigpit namang ipinagbabawal ang pagpunta sa 6-kilometer permanent danger zone dahil posible ang steam driven o phreatic eruption.