Itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology And Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 2 ang estado ng Bulkang Mayon sa Albay.
Ito’y matapos makapagtala sila nuong October 4 ang phivolcs ng pagtaas sa volume ng lava dome ng 48,000 cubic meters mula August 20.
Base sa ginawang inspeksiyon ng PHIVOLCS, nagkakaroon ito ng crack sa summit ng lava dome na palatandaan umano na nagbabanta ang phreatic at magmatic eruptions.
Magugunitang nuong august 21 itinaas ng PHIVOLCS ang Alert level 1 sa Bulkang Mayon.
Samantala, patuloy namang minomonitor ng dost-phivolcs ang kalagayan ng Mayon Volcano at pinayuhan ang publiko na maging alisto sa posibleng mangyari sa Bulkang Mayon.