Patuloy ang mahigpit na monitoring ng mga residente at eksperto sa bulkang Mayon matapos itong magbuga ng puting usok kahapon ng mag-hapon.
Ayon sa PHIVOLCS, ang bulkang Mayon ay nagtala ng moderate emission kung saan naglabas ito ng white steam laden pumes o mamasa-masang usok na aabot hanggang tatlong daang (300) metro mula sa bunganga.
Habang limandaang (500) metro hanggang isang kilometro ang naitalang inbot ng makapal na usok.
Dumausdos ang mga materyales patungo sa iba’t ibang direksyon na nagpangamba sa mga residente sa ikalawa at ikatlong distrito ng Albay.
Sinabi ng PHIVOLCS na nasa abnormal level pa rin ang buga ng asupre na umaabot sa mahigit siyam na raang (900) tonelada kada araw mula nang huli itong masukat.
—-