Nananatiling mapanganib ang Bulkang Mayon.
Ayon ito kay PHIVOLCS Bicol Chief Volcanologist Ed Laguerta, sa kabila ng pananahimik ng bulkan bagamat may pagbuga pa rin ito ng abo.
Sinabi ni Laguerta na nangangahulugang may aktibidad pa rin sa loob ng Bulkang Mayon habang tuloy – tuloy ang pagdaloy ng lava mula sa bunganga nito.
Matatandaang sinimulan nang pauwiin sa kanilang mga tahanan ang mga lumikas na residente sa mga barangay na nasa labas ng 8 – kilometer danger zone ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Office of the Civil Defense Bicol Chief Claudio Yucot, ang nasabing hakbang ay batay sa ibinigay na impormasyon ng PHIVOLCS.
Ngunit pagtitiyak ni Yucot, patuloy nilang imomonitor ang sitwasyon ng mga pauuwiing residente.