Muli na namang nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon ganap na alas – 11:43 kaninang umaga.
Ito na ang ikatlong phreatic eruption na naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa loob ng beinte kwatro oras.
Unang naitala ang phreatic eruption ng Mayon Volcano alas kwatro beinte-uno ng hapon, kahapon. Habang ang ikalawang pag-alburuto naman ay naganap kaninang alas otso kwarenta’y nwebe ng umaga.
Nananatili namang nasa alert level 2 ang bulkang Mayon na nangangahulugang maari pang makaranas ng mga hazardous magmatic eruptions sa mga susunod na oras.
Patuloy namang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng albay ang preemptive evacuations sa mga lugar na naapektuhan ng ashfall at rockfall dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Mayon.