Muling nakapagtala ng apat pagputok ang Bulkang Mayon sa nakalipas na magdamag.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS Director Renato Solidum, naitala ang pinakahuling volcanic eruption alas 10:30 kaninang umaga.
Dahil dito, pinayuhan ni Solidum ang mga residente na apektado ng pag-aalburuto ng Mayon na manatiling nakaantabay sa mga lahar advisory ng PHILVOCS, partikular na sa mga naninirahan malapit sa mga ilog na konektado sa bulkan.
Bunsod nito, kinumpirma ng opisyal na mayroon nang nangyayaring pagdaloy ng lahar sa ilang ilog na nasa palibot ng Mayon Volcano.