Muling sumabog ang Bulkang Mayon sa Albay, dakong ala 6:00 kagabi.
Ayon sa PHIVOLCS, nagbuga ng abo ang Mayon na umabot sa layong hanggang tatlong kilometro habang umabot sa pitundaang metro ang taas ng lava fountain nito.
Bago nito, nagbuga rin ang bulkan ng abo at lava dakong umaga.
Noong Lunes naman naitala ang pinaka-malakas na pagsabog simula nang mag-alburoto ang Mayon, mahigit tatlong linggo na ang nakalilipas.
Samantala, sumampa na sa mahigit 56,000 katao ang nagsilikas at nananatili sa apatnapu’t anim na evacuation centers.