Nagbuga ng abo ang bulkang Mayon kaninang umaga.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology resident volcanologist Ed Laguerta, naital ang bahagyang pagbuga ng bulkan alas otso kwarenta ng umaga.
Aabot sa 500 hanggang 600 metro ang taas ng ibinugang abo ng bulkan.
Sinabi ni Laguerta na bahagi ang naturang aktibidad ng bulkan ng tinatawag na “degassing activity” o pagsingaw ng mga lumang materyales na naipon sa mga nagdaang pag-aalburoto nito.
Mayon Volcano Bulletin as of 8 AM, Dec. 27, 2018 | via @phivolcs_dost pic.twitter.com/oGfG7ykoQy
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 27, 2018