Nananatili pa rin sa alert level 1 ang Bulkang Mayon matapos maitala ang halos 60 volcanic quakes simula pa noong Sabado.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS Resident Volcanologist Ed Laguerta, patuloy ang monitoring nila sa sitwasyon ng Bulkang Mayon kasunod na rin nang pinangangambahang volcanic tremors.
Sinabi ni Laguerta na posibleng ang dahilan ng tremor ay ang rock fracturing dahil sa pressure sa ilalim ng bulkan.
Wala pa naman aniyang indikasyon na tumindi pa ang abnormal behavior ng bulkan na nagbuga na rin ng puting usok samantalang umabot sa halos apat na raan at 50 tonelada ng sulfur dioxide ang inilabas noong mga nakalipas na araw.
—-