Hindi pa ibababa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang nakataas na alert level 2 sa bulkang Mayon.
Ayon kay PHIVOLCS Bicol Region Resident Volcanologist Ed Laguerta, nananatiling hindi normal ang aktibidad ng bulkang Mayon at malaki pa ang posibilidad na magkaroon ito ng post eruption.
Sinabi pa ni Laguerta, mataas pa rin sa normal ang naitatalang sulphur dioxide na inilalabas ng bulkang Mayon na umaabot pa sa 1000 hanggang 2000 tons kada araw.
Dagdag ni Laguerta, kanila lamang ikukunsidera ang pagbaba sa alert level ng Mayon kung bababa na sa normal na 500 tons kada araw ang dami ng ilalabas na sulphur ng bulkang Mayon.
—-