Nananatiling aktibo ang Mayon Volcano sa Albay kahit hindi makita ang ibabaw nito dahil sa napaka-kapal na ulap at pag-ulan.
Ayon sa PHIVOLCS Chief Science Research Specialist Mariton Bornas, patuloy ang aktibidad ng bulkan ilang araw mula nang mag-umpisa ang lava flow.
May pamamaga pa rin anya sa dalisdis ng bulkan batay sa kanilang pagsusukat, indikasyon na umaakyat ang magma sa crater kaya’t kanilang ipinapayo sa mga residente na iwasang magpaka-kampante.
Nasa 6 million cubic meters na ng lava ang inilalabas ng mayon sa ilang bahagi ng bayan ng Daraga at nakapaglabas na ng 1,100 toneladang sulfur dioxide.