Nagpapakita pa rin ng unrest, namamaga at namumula pa rin ang crater ng bulkang Mayon.
Ayon ito kay PHIVOLCS officer in charge Undersecretary Renato Solidum na nagsabing bagamat hindi masyadong matingkad ay senyales naman na mayroong mainit na source o magma o gas sa tuktok.
Sinabi ni Solidum na patuloy naman ang pag-monitor nila sa aktibidad ng bulkang Mayon tulad nang paglalabas ng mga nagbabagang bato.
Ang bulkang Mayon ay nananatili sa alert level 2 at bawal pa ring pumasok sa six kilometer permanent danger zone.