Patuloy na binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga aktibidad sa Bulkang Mayon kasunod ng pag-aalburuto nito noong isang linggo.
Ayon kay PHIVOLCS Resident Volcanologist Ed Laguerta, masangsang na amoy ng asupre ang sumalubong sa kanila nang magsagawa ng aerial survey.
Nakita din nila na may tumigas na lava sa bunganga ng bulkan at tila naka-hilig na ito pa timog silangan habang matas din ang wall nito sa hilaga.
Bagama’t maituturing na kalmado ang sitwasyon ng bulkan sa ngayon, sinabi ni Laguerta na hindi pa ito nagbabalik sa normal na kundisyon.
By Jaymark Dagala