Pinaghahanda na ng lokal na pamahalaan sa Albay, Bicol ang mga residente roon kaugnay sa posible pang pag-alburuto ng Bulkang Mayon.
Ayon sa Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMO), posibleng itaas pa sa Alert level 3 ang Bulkang Mayon kung magpapatuloy ang pagbabantang pagputok nito.
Noong Biyernes nang itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Alert level 2 sa Bulkang Mayon at nagbabala pa sa maaaring explosion nito.
Agad namang pinaalalahanan ng PDRRMO ang mga residente ng ilang barangay na umiwas na sa 6-kilometer-radius permanent danger zone.
Ang Bulkang Mayon ay ang pinaka-aktibong bulkan sa Pilipinas.