Itinaas na sa level 2 ang alert status sa Bulkang Mayon sa Albay makaraang makapagtala muli ng phreatic explosion na tumagal ng halos isang oras, kahapon.
Dakong ala-singko ng hapon nang magbuga ng abo at usok ang bulkan dahilan upang magsilikas ang mga residente sa loob ng 8-kilometer danger zone sa mga bayan ng Camalig, Daraga at Guinobatan.
Ayon sa Albay Provincial Disaster Risk and Management Office (PDRMO), nagdilim ang kalangitan at naka-amoy ng asupre ang mga residente nang magsimulang mag-alburoto ang Mayon.
Agad kumalat ang abo at usok patungo sa katimugang direksyon dahil sa malakas na hangin.
Nananatiling naka-alerto ang PDRMO habang hinimok din nito ang mga residente sa paligid ng 5-kilometer radius ng bulkan na magsilikas na sa lalong madaling panahon.
Ilang mga residente na bantad sa ash fall, nagsilikas
Tinatayang 13,400 residente ng mga bayan ng Camalig at Daraga na nasa 8-kilometer danger zone ang bantad sa mga epekto ng ash fall mula sa nag-aalburotong bulkang Mayon, sa Albay.
Ayon kay Camalig Disaster Risk Reduction and Management Officer Rommel Negrete, matapos magbuga ng abo simula kahapon ay nagsilikas na ang mga residente ng mga barangay na nasa loob ng 5-kilometer radius ng bulkan.
Dakong ala-singko ng hapon nang magsimulang magbuga ng abo Mayon bilang bahagi ng phreatic explosion nito na umabot sa tatlong kilometro.
Gayunman, wala pa anyang ilang minuto ay naubos na ang halos 5,000 face masks na ipinamahaging ng MDRRMO sa mga residente sa 20 barangay na apektado ng ash fall.
Samantala, naka-alerto na ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Daraga upang tulungan ang mga residenteng kailangang ilikas sakaling magpatuloy ang pag-a-alburoto ng bulkan.
MAYON VOLCANO BULLETIN
14 January 2018
12:30 AMRAISING OF ALERT LEVEL FROM ALERT LEVEL 1 TO ALERT LEVEL 2 pic.twitter.com/UFS68kDZMI
— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) January 13, 2018