Patuloy na binabantayan ng Phivolcs ang mga Bulkang Mayon at Taal na nananatili pa rin sa alert level 1.
Ito’y dahil sa patuloy itong nakikitaan ng pamamaga ng bunganga at nakapagtatala ng ilang aktibidad sa paligid nito.
Ayon kay Phivolcs officer-in-charge at DOST Usec. Renato Solidum, hindi pa rin dapat magpaka-kampante ang mga residente sa paligid ng mga nasabing bulkan dahil sa may posibilidad pa rin itong maging agresibo anumang oras.
Samantala, sinabi ni Solidum na mababa na ang tsansa na makapaminsala pa ang naitalang magnitude 7.1 na lindol sa Jose Abad Santos sa Davao Occidental kahapon.
Paliwanag ni Solidum, nabawasan na ang lakas ng lindol pagsapit nito sa ibabaw dahil na rin sa lalim ng pinagmulan nito sa karagatan.