Ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang status ng bulkang Taal sa Alert Level 1 ngayong Huwebes ng umaga.
Sa bulletin na ipinalabas ng PHIVOLCS, sinabi nito na nanatiling mababa ang mga aktibidad ng bulkang Taal sa nakalipas na 4 na linggo.
Anito, nasa low-level na ang volcanic earthquake activity ng Taal, maging ang mga aktibidad sa Main Crater ay nananatiling kalmado.
Gayunpaman ayon sa PHIVOLCS, asahan pa rin ang biglaang pagbuga ng steam, volcanic earthquakes, minor ashfalls, at paglalabas ng volcanic gas na maaaring makaapekto sa mga kalapit na lugar.
Nananatili naman ang pagbabawal sa pagpasok ng sinuman sa Taal Volcano Island na tinagurang Permanent Danger Zone.