Ibinaba na ng PHIVOLCS sa level 2 mula sa level 3 ang alert status ng Taal Volcano.
Ito, ayon sa PHIVOLCS, ay makaraang humina na ang pag-aalburoto ng Taal sa nakalipas na linggo.
Nabawasan na rin ang naitatalang volcanic degassing at volcanic earthquake sa main crater ng bulkan.
Mula Marso 26, 86 na volcanic earthquakes na may mahihinang magnitude na lamang ang naitala sa Taal habang wala na ring seismic activity.