Ibinaba na sa Alert Level 1 o low-level unrest ang status ng bulkang Taal mula sa dating Alert Level 2 o decreased unrest.
Sa abiso ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nabawasan ang volcanic earthquakes, gayundin ang mahihinang pagsingaw at aktibidad mula sa main crater.
Gayunman, ibinabala ng state seismologists na posible pa rin ang biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas.
Pinapaalalahan rin ang publiko na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal volcano island at sa itinakdang permanent danger zone.