Itinaas na sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal sa Batangas.
Ito, ayon sa PHIVOLCS, ay kasunod na rin ng mga tumitinding aktibidad ng Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Sinabi ng PHIVOLCS na kabilang sa mga aktibidad na ito ang 28 volcanic tremor episodes, apat na mahihinang pagyanig at isang tinatawag na hybrid earthquake.
Ipinabatid ng PHIVOLCS na dahil nasa Alert Level 2 na ang Bulkang Taal, posible na ang magmatic activity nito na maaari o hindi pa rin tuluyang sumambulat.
Enero noong isang taon nang huling pumutok ng Bulkang Taal.