Mas naging aktibo pa simula kagabi ang naitatalang degassing sa bunganga ng Bulkang Taal.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tumaas pa ang inilalabas nitong usok simula nitong Marso a-6 na umabot na sa 15,900T/D nitong Marso a-9.
Nananatili namang nasa alert level 2 ang bulkan.
Sa inilabas na bulletin ng PHIVOLCS kahapon ng alas-5 ng umaga, nasa walong volcanic earthquakes ang naitala sa bulkan kasama ang apat na tremors.
Ipinagbabawal pa rin ang pagpapalipad ng anumang eroplano malapit sa bulkan kasabay ng babala ng posibleng ashfall, gas explosion at iba pa. —sa panulat ni Abby Malanday