Sa kabila ng bahagyang pagkalma, mananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.
Sa panayam ng DWIZ kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum Jr., sinabi nitong may posibilidad pa rin na sumabog ang bulkan.
Paliwanag nito, kapag bulkan kasi ang pinag-uusapan, mahirap sabihing tuloy-tuloy na ang magiging paghupa nito kaya’t mas makakabuti na i-monitor muna bago ibaba ang alert level sa loob ng dalawang linggo.
Sa ganitong paraan, maiiwasan ang atras abanteng desisyon.- sa panulat ni Abbie Aliño-Angeles