May 30% pang posibilidad na sumabog ng malakas ang bulkang Taal.
Ayon kay Phivolcs Director, Usec. Renato Solidum, ibinatay nila ito sa mga datos na nakuha nila sa patuloy na pagmomonitor ng bulkan at mula sa opinyon ng mga experts.
Kasama rin anya sa mga kunsiderasyon ang historical data ng bulkan taal at ang mga pinag aralan nilang mga deposito sa bulkan.
Mula pa ng Miyerkoles ay kakaunting volcanic quakes na lamang ang naitala ng phivolcs at nabawasan na rin ang sulfur dioxide emissions.
Gayunman, nilinaw ni Solidum na mataas pa rin ang 30% lalo na sa mga lugar na sakop ng 14 kilometer danger zone.