Nakapagtala na naman ng panibagong aktibidad ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Bulkang Taal.
Batay sa pinakahuling datos ng Phivolcs dakong alas-5 kaninang umaga, nakapagtala ang Taal ng 2,000 metrong taas ng steam plume mula sa bunganga nito.
Maliban diyan, nakapagtala rin ang Phivolcs ng nasa tatlumpu’t siyam na pagyanig sa paligid ng bulkan sa nakalipas na 24 na oras.
Patuloy ding naglalabas ng asupre o sulfur dioxide ang Bulkang Taal na may average na mahigit 5,000 tonelada kada araw at may taas itong 3,000 metro.
Hindi pa rin iniaalis ng Phivolcs sa level 3 ang alerto sa Bulkang Taal, indikasyon na maaari pa rin itong sumabog dahil sa paggalaw ng magma sa loob nito.