Muling nakapagtala ng phreatomagmatic burst sa main crater ng Taal Volcano, sa Batangas, kahapon.
Dakong alas kwatro ng hapon nang magbuga ng usok ang taal pero wala namang sumunod na eruption.
Ayon sa PHIVOLCS, umabot sa tatlundaang metro ang taas ng ibinugang usok ng bulkan na tumagal ng dalawampu’t pitong segundo.
Ang phreatomagmatic burst ay resultang pinagsamang bagong magma at tubig.
Nananatili ang bulkang taal sa alert level 2 kaya’t asahan pa rin ang mga biglaang pagsabog dulot ng steam o gas, minor ash fall at pagbubuga ng nakalalasong volcanic gas.