Nagpapatuloy pa rin ang pag aalburoto ng bulkang Taal ngayong araw.
Base sa tala ng Phivolcs, isang strombolian fountain ang namataan sa main crater ng bulkan pasado 3:20 a.m. ngayong Lunes, Enero 13.
Ang strombolian fountain ay ang paglalabas ng lava at maiinit na bato ng isang bulkan.
Samantala, nakataas pa rin ang alert level 4 sa bulkang Taal.