Nakapagtala ng 20 mahihinang volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa PHIVOLCS, nagbuga rin ng mahinang steam laden plumes ang bulkan na ang taas ay nasa 50 meters hanggang 100 meters.
Nakataas pa rin ang Alert Level 2 sa Bulkang Taal kaya’t pinapayuhan ang publiko na huwag pasukin ang Taal Volcano Island na itinuturing na permanent danger zone.
Maaari pa ring magkaroon ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, ash fall at pagbubuga ng volcanic gas ang Bulkang Mayon.