Nakapagtala ng 28 volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa Taal Volcano bulletin ng Phivolcs, pawang mahihina lamang ang naitalang pagyanig at hindi naramdaman ng mga residente.
Nakapagtala rin ng mahinang pagbubuga ng steam laden plumes mula sa crater ng bulkan na ang taas ay nasa 50 metro hanggang 100 metro.
Nananatiling nasa Alert Level 2 ang Taal Volcano na nangangahulugang maaari pa ring magkaroon ng biglaang phreatic explosions, volcanic earthquakes, ash fall at lethal accumulations o pagbubuga ng volcanic gas.
Off limits parin sa Taal Volcano Island na itinuturing na permanent danger zone.