Nakapagtala ng tatlong phreatomagmatic burst at 13 volcanic earthquakes ang Taal volcano sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang phreatomagmatic bursts dakong 10:39 ng umaga, 10:47 ng umaga, at 10:55 ng umaga kahapon.
Kabilang sa naitalang volcanic earthquakes ang tatlong volcanic tremors na tumagal ng dalawa hanggang tatlong minuto.
Nagbuga rin ito ng 7,856 tonelada ng sulfur dioxide nitong Huwebes at plume na umaabot ng 2,000 meters.
Nakataas ang Alert level 3 o “magmatic unrest” sa bulkang Taal.