Nakapagtala ng 31 Volcanic Earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), pawang mahihina lamang ang mga naitalang pagyanig samantalang naitala rin ang mahinang pagbubuga ng steam laden plumes mula sa crater ng bulkan na nasa 50 hanggang 100 metro ang taas.
Sinabi ng PHIVOLCS na nananatili ang Alert Level 2 sa Taal Volcano na nangangahulugang maaari pa ring magkaroon ng biglaang phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at lethal accumulations o pagbubuga ng volcanic gas.
Hindi pa rin uubrang pasukin ang Taal Volcano Island na itinuturing na permanent danger zone.