Itinaas na ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal matapos ang sunod-sunod na pag-alburuto.
Batay sa abiso ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), itinaas sa Alert Level 1 mula sa zero (0) ang bulkan matapos maitala ang 49 na volcanic tremors.
Bukod sa pagyanig, naitala rin ang pagsingaw ng usok mula sa bunganga ng bulkan na may taas na 900 metro sa timog-kanlurang direksyon.
Dahil dito, mahigpit nang ipinagbabawal ang pagpasok ng sinumang indibidwal malapit sa bulkan lalo’t inaasahan ang pagputok nito.
Ipinagbabawal din ng PHIVOLCS ang pagpapalipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa bulkan.