Nakapagtala ang Phivolcs ng bahagyang aktibidad sa Bulkang Taal sa Batangas.
Ayon sa Phivolcs, nagkaroon ng dalawang volcanic tremors nitong nakalipas na dalawampu’t apat na oras at pagbuga ng halos anim na libong tonelada ng sulfur dioxide sa bunganga nito.
May nakikita ring upwelling ng mainit na volcanic fluids sa main crater ng bulkan.
Nagkaroon naman ng plume o steaming na nasa 1,500 metrong taas at katamtamang pagsingaw.
Maliban dito, may nakikita ring ground deformation ang Phivolcs, maliban sa maikling pamamaga ng hilagang kanlurang bahagi ng Taal.
Sa ngayon, nakataas pa rin ang alert Level 1 sa Bulkang Taal.