Mahigpit pa ring binabantayan ng PHIVOLCS ang mga aktibidad ng Bulkang Taal, 8 buwan mula nang mag-alburuto ito noong Enero.
Ayon kay PHIVOLCS OIC at DOST Usec. Renato Solidum, nananatiling abnormal ang aktibidad ng BULKANG TAAL kung saan, nakapagtala ito ng anim na volcanic quakes mula Huwebes hanggang Biyernes.
Nakitaan aniya ito ng fumarolic activity o mahinang pagbubuga ng usok na may taas na limang metro mula sa main crater gayundin ang tinatawag na fissure vents sa bahagi ng daang kastila trail.
Nananatili pa rin sa alert level 1 ang Bulkang Taal na ang ibig sabihin ay maaari pa rin itong sumabog anumang oras kaya’t mahigpit pa ring na ipinagbabawal ang paglapit sa volcano island.