Nananatiling aktibo ang Bulkang Taal.
Sa katunayan, ipinabatid ni Paolo Reniva, volcanologist, na nakatutok sa Bulkang Taal na tuluy-tuloy ang naitatalang pagyanig sa paligid ng bulkan bukod pa sa usok na inilalabas nito.
Sinabi sa DWIZ ni Reniva na sa nakalipas na 24 oras, nasa 5,000 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng Bulkang Taal.
Past 24 hrs po, nakapagtala pa rin po tayo ng mga volcanic earthquakes at nakasukat pa rin po ng mahigit 5,000 toneladang sukat ng SO2 po. Medyo mataas pa rin po siya although bumaba ho siya compared sa previous na data na umabot sa 2000. Iniintay lang po natin, so ang monitoring naman po is continuous naman po, titingnan pa po sa mga susunod na sukat kung bumaba nga po sya o hindi na po makasingaw yung gas sa loob ng bulkan. Baka po kasi hindi lang makalabas yung gas, so ‘pag hindi po ‘yun makalabas nakulob po sa loob, pwede po magkaroon ng gas preservation, so pwede pa rin pong sumabog. So tinitingnan pa po natin, mino-monitor pa po yung activity ng Taal,” ani Reniva sa panayam ng IZ sa Ala Sais