Patuloy ang pag-aalburuto ng Bulkang Taal matapos makapagtala ng 185 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Phivolcs ang hindi mapipigilang paglabas ng magma mula sa main crater ng Bulkang Taal ang magtutulak dito sa mas malalaki at malakakas pang pagsabog.
Tuluy tuloy din ang paglalabas ng Sulfur Dioxide ng Bulkang Taal na nasa average na 6, 421 tonnes kada araw kahapon.
Umaabot naman sa 1, 500 meters ang usok na ibinuga ng Bulkang Taal mula sa bunganga nito.
Muling ipinaalala ng Phivolcs na nananatili sa alert level 3 ang Bulkang Taal.