Posibleng itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang alert level 2 status sa bulkang Taal.
Ayon sa Phivolcs, nakapagtala na sila ng halos 5,000 volcaninc earthquakes mula nang itaas ang alert level 1 sa bulkan noong Marso.
Nasa intensity 1 hanggang intensity 3 na lindol ang nararamdaman ng mga barangay na nakapalibot o malapit sa bulkan.
Magugunitang nakapagtala ang Phivolcs ng pagtaas sa carbon dioxide emission sa bulkan noong Abril.