Inaaksyunan na ng pamunuan ng Ateneo De Manila University (ADMU) ang bullying incident sa junior high school campus nito na nakunan pa ng video at ini-upload sa social media site na Facebook.
Ipinakikita sa video ang paghahamon ng away ng isang lalaking estudyante sa kapwa nito mag-aaral habang nasa banyo.
Ayon kay Ateneo President Jose Ramon Villarin, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang school administration ang prayoridad nila ang naturang insidente.
University President @FrJett has released a statement on the video of violence in Ateneo Junior High School. pic.twitter.com/umeoJROVJA
— Ateneo de Manila (@ateneodemanilau) December 20, 2018
Hindi aniya nila kinukunsinte ang naging asal ng menor de edad na estudyante na napag-alamang black belter at champion sa junior taekwondo.
Mga magulang ng estudyanteg nam-bully posibleng panagutin — PNP
Posibleng papanagutin ang mga magulang ng junior highschool student ng Ateneo De Manila University (ADMU) na sangkot sa viral video ng pambu-bully sa kapwa estudyante nito.
Ayon kay Senior Supt. Gemma Vinluan ng PNP Women and Children’s Protection Center, hindi maaaring kasuhan ang estudyante sa pananapak at paninipa sa dalawang kapwa mag-aaral dahil menor de edad ito.
Hindi aniya magagawa ng naturang Ateneo student na nambully kung wala itong pinagdaraanan.
Samantala, umapela naman ang pamunuan ng Ateneo de Manila sa publiko na itigil na ang pagpapakalat ng video sa social media lalo’t menor de edad ang sangkot.
Napanood na rin ni Atty. Suzette Medina, director ng Department of Education (DepEd)-Legal Services ang mga video nang pambubuly ng nabanggit na mag-aaral sa mga ka-klase nito.