Siniguro ng Department of Education na tumatalima ang ahensya sa tungkulin nitong panatilihin ang ligtas at inklusibong lugar panuruan para sa mga mag-aaral, at una sa kanilang prayoridad ang pagpuksa sa lumolobong kaso ng bullying sa bansa.
Ayon sa DEPED, walang lugar ang pambubulas sa mga paaralan at mahigpit nilang tinututukan ang bawat kaso ng bullying na naiuulat.
Kasunod ng mga naitatalang kaso ng bullying na kumakalat sa social media ay tiniyak ng DEPED na wala sa mga kasong ito ang kanilang palalampasin at lahat ay kaagad na maaaksyunan.
Samantala, kinumpirma rin ng kagawaran na isasailalim sa rebisyon at higit na patitibayin ang reporma ng “Anti-Bullying Act at Safe Spaces Act” upang i-address ang mga online harassment at peer violence na laganap sa ngayon.