Patuloy na lilinisin ng Philippine National Police (PNP) ang mga ‘bulok na itlog’ sa kanilang hanay na sumisira at nagbibigay ng kahihiyan sa imahe ng pulisya.
Ito ang binigyang diin ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. matapos madakip sa magkahiwalay na buy-bust operations ang dalawang pulis sa San Fernando, Pampanga, at Cagayan de Oro City.
Sa 71st founding anniversary ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG sa Camp Crame, sinabi ni Acorda na walang puwang sa PNP ang mga iskalawag na pulis na nagkukubli sa kanilang uniporme.
Hanggang nitong Enero 1, umabot na sa labing-anim na police personnel ang nasibak dahil sa iba’t ibang krimen.