Samu’t saring mga armas, bala at pampasabog ang nakuha ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa pagpapatuloy ng clearing operations sa Marawi City.
Ayon kay Philippine Army First Infantry Batallion Commander Lt. Col. Chris Tampus, inaalam na kung gamit ito ng mga teroristang Maute o ng mga residente sa syudad.
Bukod sa mga pampasabog, nakuha rin sa isang bahay ang radyo o communication device ng Maute.
Nasagip din sa lugar ang isang lalaking higit dalawang linggo nang nagtatago sa kanyang tahanan ng walang pagkain at tubig at halos mabingi na umano sa lakas ng mga bomba.
Siniguro ng AFP na magpapatuloy ang pagsuyod sa halos siyamnapung (90) porsyento ng syudad na nabawi na sa Maute upang masigurong hindi na makababalik pa ang mga terorista at maging mga sympathizer nito sa lugar.
By Rianne Briones
Bulto-bultong armas at pampasabog nakuha sa clearing ops sa Marawi was last modified: June 8th, 2017 by DWIZ 882