Posibleng magdulot ng muling pagsirit ng COVID-19 cases sa mayo ang mababang bilang ng mga nagpapabooster shot.
Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson Myrna Cabotaje, maraming fully vaccinated ang hindi pa nagpapabooster shot na bumababa na ang immunity o proteksyon mula sa naturang virus.
Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 12.6M pa lamang nabakunahan ng nabanggit na dose at mayroon pang 36M ang kailangan mabigyan nito. – sa panulat ni Airiam Sancho